|
Dec 5, 2005
Finally, I can enjoy songs from my youth breathed to life anew with the latest of what OPM rock has to offer. These are songs that has accompanied me in my youth and has been so much part of me that every song the e-heads sang invokes a spirit of youthful delirium.
Yes, I just bought JAM 88.3's ultraelectromagnetic jam...a revival of eraserheads' greatest gathered by the latest OPM rock sensations and spicing it up with their own influence. So sad wasn't able to mingle with kids in UP during its release. It would have been a helluvan experience for me...syempre pa headbang headbang at pa sira ng mukha para mukhang metal. Tapos, suot ng t-shirt na itim tulad ng mga palaboy na black squad na tumatambay sa kalye kung alas diyes na ng gabi. Tapos, maintain ung agitated-look-na-hindi para magmukhang nakatira kay shabs-shabs o kaya nakatoma.
Hehehe. Memories.

Nakakatuwa ngang i-look back ang high school memories with e-heads. I remember ayoko nung 1st album nila...hindi ko kasi naiintindihan ung medyo upbeat na music nila. Ung 1st year pa kasi ako, metallica, guns n' roses at bon jovi na ung pinapakinggan ko. Eh ibang-iba ung kanta ng e-heads sa 1st album nila...tapos, parang jologs pa. But after a while, nakakatuwa palang kantahin at ang dali-dali pa ng chords. During that time kasi, neophyte pa lang ako sa paggigitara at sakit sa kamay ang chord na F. Sa e-heads, ung chords ng sikat na kanta nila naglalaro lang sa variations ng G, A, D.
Aba, after a while, memorize ko na lahat ng lyrics at chords...at natutunan ko na rin ung F...tapos, sumunod na ung B, Bb, at ung ibang chords na tinotorture ang pointing finger. Gumaling na ako sa gitara dahil sa eraserheads!
And i finally find myself waiting for CIRCUS. Tapos, sumunod na rin ugn CUTTERPILLOW at ung FRUITCAKE album...
Tapos nung pumasok ako sa seminaryo, un na rin ang time na lumabas ung JULIE TEARJERKY album nila...tapos, bigla ba namang nagdisband ang mga gago. Sayang, sila pa naman sana ung nag bulldoze sa OPM landscape during that era.
Oh well...memories.
Salamat nga pala JAM 88.3!
|
|
|